pangkat ng pitong maliwanag na bituin sa Ursa Major na kahawig ng dipper ang guhit ng balangkas
dipper (dí•per)
1:
ibon (Cinclus cinclus) na may maikling buntot at may kakayahang sumisid sa tubig
2:
hugis tásang sisidlan na may mahabà at tuwid na tatangnan at ginagamit na pansalok ng tubig
Big Bang
:
isang teoryang kosmiko na tumutukoy sa isang pagsambulat na simula ng santinakpan batay sa mga nasiyasat na ekspansiyon nitó, ugat na kosmiko ng radyasyon, saganang halimbawa ng mga element, at mga batas ng pisika